Agrikulturistang Pinoy
Conserve, Protect, Manage
Lunes, Mayo 11, 2020
Lunes, Enero 14, 2013
Biomix No wash Pig Technology
BioMix
No wash pig
technology
Walang hugas na baboy o babuyang walang amoy —isang paraan ng pag-aalaga ng baboy na di gumagamit ng tubig sa paglilinis ng kulungan at ng alagang baboy.
Ang teknolohiyang ito ay gumagamit ng mga organikong materyales bilang higaan o dumihan ng baboy. Upang maiwasan o matangal ang amoy mula sa dumi at ihi ng baboy, isang microbial inoculant ang ginagamit na may dalawang anyo.
Ang biomix powder na ginagamit sa pag inoculate ng kama o higaan ng baboy at ang liquid BioMix na ginagamit bilang pang spray sa kulungan at baboy upang mawala ang amoy at mapabilis na tumigas at at mapabulok ang dumi ng mga baboy. Ang higaan ng baboy ay maaaring gamiting kompost o pataba sa halaman.
BIOMIX ay gawa sa organikong materyal na puno ng napakaraming mabubuting mikrobyo at enzymes. Ito ay ginawa ni Ginoong Vincent V. Flores o mas kilala sa palayaw na saint na isang agrikulturista.Ito ay natural at gumagamit ng mga mabubutimg mikrobyo kung kaya ito ay ligtas sa tao at ng alagang hayop. Ito ay ginagamit upang bigyang solusyun ang mga problema sa kalikasan, agrikultura,sa bahay at sa mga palaisdaan.
Ang nirerekomenda ni Saint ay ang litter bed system kumpara sa deep bedding system dahil sa mas madaling gawin ang litter bed system.
PARAAN NG PAGGAWA NG KULUNGAN
1. Gumamit ng mura pero matibay na materyales.
2. Kailangang may taas ng 1-5 talapamkan ang gilid ng kulungan upang di matapon ang higaan ng baboy.
3. Ang mga maaaring gamiting bilang higaan ay:
A. Cabonized Rice Hull o ipa
B. Saw dust
C. Coco peat
E. Dayami
F. Mga tuyong dahon
G. Dahon ng madre de cacao
4. Gumamit ng kawayan upang makamura at di masyadong mainit ang kulungan.
5. Sundin ang sukat na 1 sq.m bawat baboy
PAGHAHANDA NG HIGAAN
1. Ibuhos ang saw dust , crh, madre de cacao sa kulungan ng baboy, haluan ito ng Biomix powder. 1 kilo bawat 3 baboy.
2. Ikalat ang higaan sa loob ng kulungan hanggang umabot sa 1-2 talampakan ang taas.
3. Papasukin ang mga baboy sa loob ng kulungan.
4. Magspray ng Liquid BioMix isang beses sa isang linggo o depende sa amoy ng kulungan.
5. Anihin ang higaan pagkalipas ng 3 buwan at pabulukin pa sa loob ng 2-3 linggo at maaari ng gamitin bilang kompos o pataba sa halaman.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)