Lunes, Enero 14, 2013

Biomix No wash Pig Technology




BioMix
No wash pig
technology

 

Walang hugas na baboy o babuyang walang amoy  —isang paraan ng pag-aalaga ng baboy na di gumagamit  ng tubig sa paglilinis ng kulungan at ng alagang baboy. 
        Ang teknolohiyang ito ay gumagamit ng mga organikong materyales bilang higaan o dumihan ng baboy. Upang maiwasan o matangal ang amoy mula sa dumi at ihi ng baboy, isang microbial inoculant ang ginagamit na may dalawang anyo.
Ang biomix powder na ginagamit sa pag inoculate ng kama o higaan ng baboy at ang liquid BioMix na ginagamit bilang pang spray sa kulungan at  baboy upang mawala ang amoy at mapabilis na tumigas at at mapabulok ang dumi ng mga baboy. Ang higaan ng baboy ay maaaring gamiting kompost o pataba sa halaman.




 BIOMIX ay gawa sa organikong materyal na puno ng napakaraming  mabubuting mikrobyo at enzymes.  Ito ay ginawa ni Ginoong Vincent V. Flores     o mas kilala sa palayaw na saint    na isang agrikulturista.Ito ay natural at gumagamit  ng mga mabubutimg mikrobyo kung kaya ito ay ligtas sa tao at ng alagang hayop. Ito  ay ginagamit upang bigyang solusyun ang mga problema sa kalikasan, agrikultura,sa  bahay at sa mga palaisdaan.
   Ang nirerekomenda ni Saint ay ang litter bed system kumpara sa deep bedding system dahil sa mas madaling gawin  ang litter bed system.





PARAAN NG PAGGAWA NG KULUNGAN
1. Gumamit ng mura pero matibay na materyales.
2. Kailangang may taas ng 1-5 talapamkan ang gilid ng kulungan upang di matapon ang higaan ng baboy.
3. Ang mga maaaring gamiting bilang higaan ay:
          A.  Cabonized Rice Hull o ipa
     B. Saw dust
C. Coco peat
E. Dayami
F. Mga tuyong dahon
G. Dahon ng madre de cacao
4. Gumamit ng kawayan upang makamura at di masyadong mainit ang kulungan.
5. Sundin ang sukat na 1 sq.m bawat baboy


PAGHAHANDA  NG HIGAAN
1. Ibuhos ang saw dust , crh, madre de cacao sa kulungan ng baboy, haluan ito ng Biomix powder. 1 kilo bawat 3 baboy.
2. Ikalat ang higaan sa loob ng kulungan hanggang umabot sa 1-2 talampakan ang taas.
3. Papasukin  ang mga baboy sa loob ng kulungan.
4. Magspray ng Liquid BioMix isang beses sa isang linggo o depende sa amoy ng kulungan.
5. Anihin ang higaan pagkalipas ng 3 buwan at  pabulukin pa sa loob ng 2-3 linggo at maaari ng gamitin bilang kompos o pataba sa halaman.








 
                  




6 (na) komento:

  1. Meron po ba biomix dito sa Oriental,Mindoro?Magkano po ba ang biomix pati na rin po yon biomix liquid?

    TumugonBurahin
  2. Saan po nakakabili nyan. .lucena city po. .

    TumugonBurahin
  3. kasama po baba sukat Yung paligoan nila tsaka pakainan NG baboy sir

    TumugonBurahin
  4. Magkano po ang liquid biomix? pwede po bang gamitin ang liquid biomix kahit semento lng kulungan ng baboy? Pls replt thank u po. pls reply to julie_achiever22@yahoo.com.ph

    TumugonBurahin
  5. san po nakakabili ng biomix d2 po me s oriental mindoro,thank you s sasagot.

    TumugonBurahin